Saturday, March 29, 2014

Suko na ako

Hindi ako bumoboto. 26 na ako at gusto ko naman ng voter's ID pero ayaw ko talaga bumoto. Lagi kong tinatanong sarili ko kung bakit ayaw ko bumoto. Twing election nalang, lagi akong nag iisip ng mataimtim sa bahay ko.

BAKIT NGA BA AYAW KONG BUMOTO?



Makabayan naman ako. may pakialam naman ako sa bansa ko at gusto ko naman itong magtagumpay. Gusto kong mabago ang mga lumang sistema na hindi na gumagana, gusto kong matuto ang mga tao sa mali at maitama na ito sa susunod, gusto kong bumuti ang lipunan, gusto kong bumuti ang film industry, gusto kong umunlad ang ekonomiya, gusto ko maachieve natin ang financial stability, gusto ko mabura sa balat ng lupa ang mga non-sense, gusto ko, gusto ko, gusto ko.. madami akong gustong mabago sa bansa ko.

Kaya isang araw ng eleksyon, inimagine ko na bumoboto ako. Wala akong mapili so nagsearch ako ng background nila at tinimbang ko nang masusi ang mga kandidato para makapili ng tamang taong ilalagay sa pwesto dahil gusto ko, ang unang boto ko ay tama agad. Ayaw kong matulad sa mga taong nagrereklamo pagkatapos ng eleksyon na akala mo eh hindi sila mismo ang bumoto sa mga taong nirereklamo nila. Habang madami akong iniisip, bigla kong naitanong sa sarili ko kung ano nga ba mangyayari pagkatapos nito? will my vote really matter?

tignan natin ang realidad:

- Baon parin naman sa utang ang Pilipinas

- Tumataas parin naman ang bilihin at pamasahe

- Kulang parin naman sa eskwelahan

- Kung meron man eskwelahan, luma parin ang curriculum nila

- Bobo parin ang mga tao

- Mababa parin ang kaledad ng media

- Binabagyo parin ang Pilipinas. Taon-taon natin itong ginagastusan ng milyones.

- Nagsasayang parin tayo ng milyones sa mga walang patutunguhang bagay gaya ng fighter planes

Naisip ko, walang kwenta naman bumoto. Wala naman talagang nagbabago eh. Tumitindi pa nga ang sitwasyon. Mas madalas nang bumagyo, mas mataas na ang presyo ng basic needs, mas narcissistic na ang mga tao sa internet, ang mga teleserye ay tungkol parin sa paghihiganti at paghandle ng kabit. Walang pag unlad. Walang kwenta bumoto dahil hindi naman ito ang solusyon sa problema natin, seryoso ba kayo? iniisip nyo ba talaga na kaya ng presidente solusyonan lahat ng problemang yan? Anong gusto nyong gawin nya, magpatigil ng bagyo?

Mula noon, nagdecide akong hindi nalang bumoto kahit kailan. Kasi sumuko na ako sa bansa ko. Politically. Masyado pa tayong bata kung ikukumpara sa ibang bansa. Literal. Ang mga griyego ay libu libong taon nang nabubuhay sa earth. Ganoon rin ang mga Hapon, Amerikano, Italiano, Mexicano, Espanyol, etc.. at lahat sila ay dumanas ng daan daang taon ng kabiguan bago naging tunay na matagumpay. Magbasa ka lang ng history book at mapapatunayan mong bata pa ang Pilipinas. At yun rin ang dahilan kung bakit ako sumuko na. Dahil kailangan ng bansa natin malugmok. Kailangan nating  pumalpak at magdusa. Sigurado akong matututo tayong mga pilipino habang tumatanda ang lahi natin pero hindi naman iyon mangyayari sa lifetime ko so it's futile to vote. Bigyan natin ng mga ilang daang taon, sisiw nalang satin yang mga problemang yan, tatawanan lang natin tong generation ngayon:

"pre basahin mo yung Yolanda Tragedy, ambobo ng mga ninuno natin, alam na nilang may parating na bagyo, hindi parin sila nag evacuate"

Yun lang, wala nako maisip na ending. JEJE LOLS

Saturday, October 26, 2013

Sobra as in SOBRANG pag ulan

Alam niyo na to eh, global warming, abnormal weather shits.

Pero nakukunsume na ako sa ulan, OA naman na kasi diba? Hindi na nakakatuwa yung dami ng bahay na nasalanta at dami ng taong nalunod sa baha pati na rin yung dami ng gamit mula sa first floor na napunta sa second floor ng bahay nyo. Hindi lang syempre ngayong araw na to, kundi pati na yung bilang ng lahat lahat ng naitalang biktima ng bagyo/ulan dito sa pilipinas ay nakaka alarma na.

Halos hindi na kapani-paniwala yung buhos ng ulan dito sa pilipinas. Nag search ako ng kaunti at nalaman ko na nitong nakaraang isandaang taon lang, ang ganitong klaseng pag ulan ay nangyayari lamang kada sampung taon. noong dekada 90, kada limang taon na ito nangyayari, nitong 2010 naman, 2 taon nalang ang interbal ng mga bagyo. At kung napansin mo, wala pang isang taon, 2013 palang, eto nanaman siya, Sobrang ulan nanaman. Ok fine, so sa ganitong ratio, malamang eh magiging umuulan na araw araw dito sa pilipinas sa mga susunod na taon, ano naman ba ang epekto nito?

Una, gusto kong ipaalala sa iyo na arkipelago ang bansa natin, grupo ng mga isla, at ang isla ay piraso ng lupa na nakalutang sa yamang dagat. Kung naisip mo na, tama ka. Lumulubog ang bansa natin. Kada minuto, lumulubog ang bansa natin dahil sa bigat ng sibilisasyon sa ibabaw ng tipak ng lupang ito. Isipin mo nalang kung idadagdag mo pa ang bigat ng sama samang patak ng ulan na bitbit pa ng malakas na hangin, yung pwersa lang eh sapat na para panipisin yung lupa, eh paano pa yung mismong bigat ng naipon na tubig sa ibabaw ng lupa?

Pangalawa, ipapaalala ko lang din sa iyo na nasa economical crisis parin tayo, sa gitna ng pisikal na unos na pinagdadaanan ng pilipinas ngayon, dumaraan din ito sa economikal na krisis. Hindi pa nga established ang industriya ng pilipinas diba? Hindi pa tayo makapasok dahil sa sobrang ulan, actually, wala pa tayong sariling industriya hanggang ngayon. Ibig sabihin, wala tayong sariling pagkakakitaan na self-sustainable at renewable ang resource. Puro produkto ng ibang bansa ang pinagkakakitaan natin. Hindi tayo malakas mag export ng sarili nating goods dahil kaunti lang din naman ang napoproduce nating goods dahil sa weather. Lagi tayong may tulong na nakukuha sa ibang bansa kaya lagi rin silang may porsiyento sa kaunting kita natin in the form of tax. Extreme weather results to less productivity which in the long run will result to the extermination of the industry as a whole.

Pangatlo, wala na akong maisip. Gusto ko lang naman kayo bigyan ng pag-iisipan nyo ngayon panahon ng tag ulan. Hindi ko masabi ang “mag-ingat po tayong lahat” ng 100% genuine kasi hindi naman natin kontrolado ang end result na idudulot nitong sobrang ulan. Naiisip ko yung mga nalunod, nasalanta at naanod ng baha, sa tingin mo ba hindi sila nag-ingat? Para bang alam ko nang walang taong ligtas sa trahedya kaya hindi ko masabing mag-ingat nalang tayo. Parang “mag- ingat nalang tayong lahat kahit walang makakaligtas ni isa sa atin” ganoon ang dating sakin.

Siguro, eto nalang ang sasabihin ko:

Ingatan natin yung natitirang pag-asa sa puso natin. Wala naman imposible, Bigyan natin ng halaga itong munting pag-asa na ito dahil kapag marami tayong pag-asa na napagsama sama, baka magkaisa tayo, baka makaisip tayo ng solusyon sa mga problemang hinaharap ng bansa natin, baka mag umpisa na yung pagbabago.

Eleksyon Season

Antagal ko na palang hindi sumulat.

Dahil sa darating na election kaya ako nagka oras nanaman tumutok sa laptop at mag-umpisa ng walang ka kwenta kwentang sulatin na ito. Gusto ko kasing maintindihan ko ang sarili ko kung bakit ayaw ko bumoto. Malaki ang naitutulong ng pagsusulat sa akin na ma-analyze at ma-evaluate ang mga pananaw ko sa buhay na:

1. Walang kinalaman sa iyo

2. Wala ka rin naman pakialam
3. Minsan komplikado lang talaga


Andami kasing kinwento nung manong taxi driver na nasakyan ko kagabi. Sabi nya sa akin habang dumadaan sa kalsada na itatago ko sa pangalang “Roosevelt”, “Nung napadaan ako sa monumento noong isang gabi, napakaraming banderitas ng mga kandidato! akala ko fiesta! Magkano rin ang ginamit dyan, kung ibinili na lang nila ng pang araw-araw na gamit ng tao, edi mas may silbi pa, magiging basura lang yan eh!” Naisip ko tuloy, oo nga naman, nakakainis nga naman makita ang sandamakmak na mukha ng mga kandidato na anlulusog, nakamamahaling damit at yung iba, naka contact lense pa! Kung bata ako na first time makakita ng ganoon, iisipin kong mga artista sila na nageendorse ng pagkain at pagkatapos ng eleksyon, saan ba mapupunta ang mga banderitas kundi sa basura o sa drainage lang, baka maging sanhi pa ito ng baha. Naalala ko rin ang pagkainis ko sa twing may maririnig na campaign jingle to the tune of “One Thing” ng One Direction at “Fireworks” ni Katy Perry. Sa luob luob ko, paano nila naaatim na magtawag ng boto gayong alam naman nila na aware ang mga tao sa corruption? hindi naman ito bagong konsepto sa pilipinas, bata palang ako eh lagi nang laman ng usapan ang graft and corruption. Saksi ang henerasyon ko sa pagumpisa at paglala ng korapsyon dito sa pilipinas at iyon ang target market ng mga kandidato ngayon hindi ba? mga boto ng mga bagong rehistrong botante. Pero balik tayo sa tanong ko, bakit nga tuloy padin ang harana nila kahit alam nilang aware tayo na gagawa rin naman sila ng kalokohan pagkaupo nila? Ganoon ba ang epekto ng contact lense? ng magarang damit? ano ang kinakabit ng mga kandidato sa katawan nila para maging ganoon katibay ang sikmura?


Garapal = isang napakamakapangyarihang equipment (hindi ko alam tagalog ng equipment. sorry.)


Alam naman ng marami na hater talaga ako. hater po ako ng maraming bagay. Hindi ako madalas makisali sa mga bagay na naeenjoy ng maraming tao. Pero nirerespeto ko po ang mga ito. Dahil sa pagiging hater ko, naniniwala ako sa konsepto ng gradualism, na may mga bagay na mas magandang daanin sa bagal. Hindi laging pareho ang resulta ng trabahong minadali at trabahong matagal bago natapos. Oo, minsan kailangan ma-meet ang deadline pero kung kaledad ang usapan, doon ako sa trabaho na ginamitan ng matagal na pagiisip, paghahanda at pagiingat. Ganyan rin ang pananaw ko sa pagunlad ng pilipinas. Hindi ito kagaya ng sinasabi ng mga kumakandidato na babaguhin nila ang pilipinas ng mabilisan. Maguumpisa ito sa pinakamalalim na parte ng kukote ng bawat pinoy. Unti unti itong mangyayari na halos hindi mapapansin at matagal na panahon ang igugugol dito. Naiimagine nyo ba? na kapag naasam na natin ang pagbabago, mas dama kung pinaghirapan ng lahat. Hindi lang ng mga kandidato. Simbolo lamang sila ng pagbabago pero tayo talaga ang solusyon. tayong lahat.


So ayun, kaya pala ayaw ko bumoto eh kasi iniisip kong wala nang pag asa ang pilipinas. tama po. yan nga ang iniisip ko, ngayon ko lang narealize. Kasi nga masyado na tayong lubog sa kumunoy na tayo rin ang gumawa na hindi na natin kaya isalba ang mga sarili natin. ang tulong ay kailangan nang maggaling sa labas ng kumunoy. Kailangan may makakita muna sa atin kung gaano tayo kalubog tapos sila ang tutulong sa atin. Ganon ang naiisip kong natitira nating pag asang maka ahon. Pero napaka liit ng chance mangyari yon. kasi:


1. Wala naman tayo sa kumunoy talaga
2. Yung kumunoy natin hindi kasing obvious ng tunay na kumunoy so mahirap makita ng iba
3. Natatawa ako kapag naririnig ko sa isip ko ang salitang “kumunoy”


Kaya salamat kay manong taxi driver. Inspired padin ako sa kanya kasi parang “he has it all figured out”. Yung naka contact lense po ay itatago ko sa pangalang “Vincent Belmonte”. Blue po ang mata nya doon sa banderitas nya. nakakainis pong makita. Parang gusto nyong sunugin yung kaluluwa nya.

Tuesday, May 5, 2009

Da moves para kay Mommy

Alam kong corny pero Para sa Mommy ko to.

Mainit ang panahon ngayon. Kaya pag usapan natin ang Mother's day.

Ewan ko sa iba sa inyo pero ako, hindi kami masyadong close ng mommy ko.. Magkalayo kasi kami.. pero gustong gusto ko talaga na lagi ko lang siya nakikita.. kahit picture lang. Ansarap kasi ng may nagmamahal sayo ng totoo.

Siguro yun lang naman talaga ang gusto nating lahat sa buhay.. Yung may magmamahal satin ng totoo. Kasi aminin na natin na kahit anong mis-understanding ang pagdaanan niyo ng nanay mo, hindi mo made-deny sa sarili mo na mahal na mahal ka niya.

Gusto kong idedicate ang entry na to para sa mommy ko. Wala akong maisip na ibang paraan para mapasaya siya kasi anlayo layo niya. Hindi naman makapal mukha ko para mag upload ng video sa youtube na nagsasabing mahal na mahal ko siya.. Sapat na sakin yung siya lang makaka-alam nun. Kasi hindi ko naman ide-deny yun sa ibang tao. Mahal ko ang mommy ko.

Siya na yata ang pinaka mabuting nanay pag naaalala ko yung mga bagay na nagawa at nasabi ko na hindi ko naman talaga sinasadya.. minsan dala lang ng init ng ulo. Kaya niyang kalimutan lahat ng yun na parang walang nangyari. Saka lagi niyang sinasabi sakin na pamilya lang ang makakaintindi samin kahit ano pa ang kaweirduhan ang gawin namin. Kahit siguro maging kasing sama ko si Adolf Hitler at maging anti-christ pako, siya parin ang makakaintindi sakin. Mga nanay parin ang makakaintindi sa atin.

Dati kasi nahihiya akong aminin kahit sa sarili ko na mahal ko mommy ko. Pero ngayon ko narealize na nakakahiya pala talaga ako. hehe. Kung kelan hindi na kami magkasama saka lang ako natauhan na nakakatuwa pala pag nakikita kong ngumingiti ang mommy ko. Nakaka wala ng pagod pag natutuwa siya sakin. At nakakaiyak kapag naiisip ko ang mga nasayang na panahon na hindi ko man lang nasabi sa kanya lahat ng nararamdaman ko.

Sa Pag alaga saming magkakapatid, Thank you mommy. Sa lahat ng mga sakripisyo mo na hindi namin naappreciate agad, Thank you po. Sa pagturo mo samin ng mga mabubuting bagay dito sa mundo, Salamat mi. Pinakita mo samin na ang saya saya ng buhay kahit na pinanganak kaming hindi kasing gwapo ni Aaron carter.

Sa mga nagawa ko pong kasalanan sa inyo, Sorry po talaga. Yung mga pinagsasabi ko dati, hindi ko po sinasadya yun. Echos lang yun. Sa mga pabigat namin magkakapatid sa inyo (lalo na yung pinakamabigat samin, si marc), sorry po mi. Alam niyo ba, lagi niyang sinasabi sakin na ok lang magkamali. na lahat ng tao, lahat ng mga singer, pumipiyok. Lahat ng dancer, nalilito din. Lahat ng Gwapo at maganda, tumatae din. Lahat ng athlete, nadadapa. Na lahat daw ng tao, marunong gumawa ng mali.. Wag lang paulit ulit. Kahit ilang beses ko pa ulitin yung mga pagkakamali ko, lagi niya yan sinasabi sakin. Hindi siya nagsasawa. Pareho sila ni Daddy. At gusto kong patunayan sa kanila na hindi nasayang yung mga sinabi nilang yun. Kasi naiintindihan ko na yun ngayon. At lagi ko yun ipagpapasalamat sa kanila. Lagi. Kasing dalas ng paggalaw ng cursor dito sa microsoft word.

Sobrang Thankful ako sa diyos kasi sa inyo kami napunta. At Sana maibalik namin sa inyo yung pagmamahal niyo. Sana maging superman ako para lang mapakita ko sa inyo kung gaano ako tumino sa pagpapalaki niyo ni daddy sakin.

Mami, Happy Mother's day. Para sa inyo tong entry nato. Pinaghirapan ko to. Pramis. I love you mi. wushushu..

Monday, March 30, 2009

Inipit

Mhen, may kukwento ako, alam niyo ba yung pakiramdam ng inipit ng dalawang magagandang chicks sa jeep tapos ipit na ipit ka?

Naranasan ko yun, kaninang umaga lang. Hayup. ansaya. Papasok na kasi ako nun sa school, eh may dumaang jeep na maluwag, sumakay ako.. tapos may nakita akong chicks sa gilid, tinabihan ko.. pero malayo kasi nga maluwag naman yung jeep.

Tapos ayun, parang buong biyahe tingin ako ng tingin sa kanya kasi ang ganda talaga! Ang kinis pa ng kamay, minsan nagkikita pa yung mata namin. Nyaay. Tapos nagbayad siya, eh ako naman katabi niya, inabot ko yung bayad.. tapos nahawakan ko yung kamay.. astig. napangiti ako. as in labas ngipin. hayup answerte ko! Eto pa, pareho kami ng bababaan! ibig sabihin buong biyahe ko siya makakasama! Ampocha ansaya ko.

Tapos ayun, nung nasa kalagitnaan na kami, may pumarang chicks ulit.. di ko masyado nakita kasi malayo pero nung sumakay na, umusog agad ako kasi mas maganda!! Eh binubwenas ata talaga ako, isa nalang bakante, sa tabi ko pa! wahaha!!

Tapos yun na, siksikan na sa jeep. nakasimangot na lahat pero ako napapangiti talaga pag lumiliko saka kapag pumepreno si manong driver, kasi nasisiksik ako nung dalawang katabi ko eh.. Nagdidikit pa yung braso namin, as in siko hanggang balikat dikit na dikit.. Both sides. Ang warm pa ng braso nila.. Kung pwede nga lang i holding hands yung isa, ila-lock ko talaga yun. Tapos napapangiti pa yung nasa left ko pag nalulubak.. nakikiliti siguro yun..

Ako rin nakikiliti pag yung malapit na malapit yung braso namin, hindi nakadikit pero malapit na malapit.. yung parang balahibo lang nagtatagpo.. yun, nakikiliti ako pag ganun.

Tapos yun na, bumaba na yung nasa right ko tapos konting andar lang, 
bumaba na din ako..

Nakangiti ako hanggang first class ko.. hayup.

Tuesday, January 20, 2009

Dugo na Pambihira

Pota. Potang bohay to. Hindi niyo alam ang pinagdaanan ko. hindi niyo talaga alam.

Kakatapos ko lang makipag-usap sa kakilala kong bisaya. oo. besaya nga gyud. Ansarap sigawan mga tohl.. alam niyo yun? yung parang sinasadya niyang maka asar ng tao? sa twing babanggitin niya yung salitang "pambihira", napapangiwi ako.. Klarong klaro kasi ang short "E" vowel na namumutawi sa bibig niya.. "pam-BE-HE-ra". ganun, mas matigas pa ng konti dun. Hanep. Astig. Amazing talaga!

Hindi ako racist. Lalong hindi ako galit sa lahing bisaya dahil ako mismo ay may taglay na "pambeherang" dugo. oo, may lahing bisaya ako. Pero isa ako sa mga hindi pinalad (mabuti nalang malas ako) na mabahiran ng accent nila.. Ngayon lang ako nakaranas ng ganun, siguro mga 15 mins. straight akong naka expose sa mind blowing na exhibition ng dila nun. Na windang ako. Ganumpaman, gusto ko sanang linawin sa lahat ng babasa nito na wala akong masamang intension sa mga bisaya.. alam kong napaka delikado nitong paksang ito dahil sensitibo at kritikal naman talaga ang subject natin ngayon. Gusto ko lang talaga i-share ang naranasan ko, hindi ko na kasi ma-take. umaapaw ang paghanga ko sa nasabing lahi, Prames.

Kung papansinin nating mabuti, Bisaya lang ang lahi na may pinaka identifiable na accent. Ayon sa mga tauhan ko sa United Nations, lumalabas sa Statistics na 75% ang identity rate ng mga bisaya kesa sa ibang lahi, sumunod dito ay ang mga batanggenyo, kapampangan at mga taga-Neverland. Pero Balikan natin ang mga bisaya, nasabi ko kanina na humahanga ako sa lahing iyon, totoo ang sinabi ko. humahanga talaga ako, hindi dahil sa nakakatawa sila, kundi dahil sa Tatag ng kulturang tumatatak sa isip natin sa twing nagsasalita sila. Isang salita lang nila, alam na natin na sila'y bisaya. astig no? Ang ganun kalakas na identity ay maaari nang ikumpara sa English men, British at iba pang matatag na accent, kung iisipin mong mabuti, kung hindi natin pagtatawanan ang bisaya accent, kaya nitong makakuha ng respeto galing sa iba't ibang sulok ng mundo. At kung iisipin mo lang din ng mabuti, ang mga ibang accent na kinaiinggitan ng karamihan ay mas nakakatawa pa sa bisaya.

Narinig mo na ba ng mag english ang mga hapon? nakaka windang din yun. pero dahil hindi sila tinatawanan ng sarili nilang mamamayan eh kahit ako'y natutunan ko na din maibigan ang pag ja-"japanglish" nila. Napansin ko na kaya ng mga hapon na padamihin ang syllables ng isang salita.

ex:

Voltes Five = Volutesu Fayvu
Jdrama = Jdorama
Nightmare = Naitomeya

Ampangit diba? parang tanga diba? pero dahil sa respeto nila sa sarili nila, buong mundo eh nabibihag nila ng unti unti.

Kilala mo ba si Jeff Corwin? yung documentarist sa Animal Planet na namatay? ganito magsalita yun: "Omoyzeing! It's o toygaah snooykk!!" translation? sige, "Amazing, it's a tiger snake!" lupet no? naimagine ko bigla kung ako eh ganun din magsalita.. siguro tataba ako dahil sa kakalunok ng hangin sa bawat salita ko.. hmm.. omoyzeing!

Si Dr. Jace sa "House", kilala mo? british yun, kapag sinabi niyang "Poyshunt's gawt Doybeyteys" ang ibig sabihin nun eh "Patient's got diabetes". Kung sa harap mo magsalita yun dito sa pilipinas, malamang eh sapakin mo na yun dahil para siyang nanloloko. pero sa US, seryosong seryoso siya at walang tumatawa sa kanya. Kewl huh?

Akala mo ba eh may iba pa akong examples? Pwes wala na. Nais ko lang ipaintindi sa inyo na ang pagiging "Amazing" ng isang bagay ay maaaring daanin sa suporta, respeto at pagmamahal ng mga tao sa paligid nito. Kaya din nating Gawing kagalang galang ang mga accent natin kung babaguhin lang natin ang pananaw natin tungkol dito. Kaya natin. Sigurado yun.

There you have it, sana ay may naintindihan kayo sa mga sinabi ko kahit alam kong ang gulo gulo naman. Exclusive entry ito para lang sa "Love Your Native Tongue Day" na inimbento ko lang at wala naman talagang ganun kaya kung naniwala ka, Get a life!

Pambehera.

*kung sakaling mabasa ito nung bisayang nakausap ko, sana'y malaman mo na taos puso kong tiniis ang pakikinig sa pambehera mong kwento. at Salamat na din dahil andami kong natutunan sayo. Hug.

Friday, October 17, 2008

Katarungan!

Hindi Makatarungan ang waterbill namin ngayong buwan na ito. Pambihira.

Masyado nang tumataas ang cost of living sa bansa natin, kunin nalang nating halimbawa ang pangunahing pangangailangan o "primary needs" nating mga pilipino, ang pagkain, damit at tirahan ay hindi maikakailang uneconomical kung pagbabasehan ang nae-experience ng middle-class citizens na tulad ko. Ganumpaman,ang sitwasyon ko ay naiiba pa rin sa karamihan ng kapareho kong middle-class citizens dahil nitong nakaraang buwan, siningil kami ng tumatagingting na ONE THOUSAND EIGHT HUNRED PESOS sa water consumption namin.

Pambihira talaga

Nais kong maghasik ng terorismo nang makita ko ang waterbills namin, buti nalang naalala ko yung tinuro samin sa simbahan tungkol sa kapayapaan ng sanlibutan. Sinong hindi maiinis, eh samantalang noon, 300 pesos lang, masama na ang loob kong magbayad.

Aminado naman akong aksayado ako sa tubig, pero aksayado lamang ako tuwing maliligo at tatae ako. At minsanan lang ako kung maligo. apat lang kami sa bahay, wala kaming kotseng nililinis at wala kaming swimming pool, wala rin kaming aquarium at wala rin kaming washing machine. SAANG LUPALOP NG BAHAY NAMIN NANGGALING ANG 1800 PESOS NA KONSUMO SA TUBIG NA YON? kahit buksan ko ang lahat ng gripo sa sulok ng bahay namin, hindi ito aabot sa 500 pesos kada buwan.

Leche.

Hindi ako mayaman, isa lang akong palamunin na umaasa pa rin sa allowance na ibinibigay ng magulang, sana man lang eh naisip yon ng kung sino mang kumag na may kasalanan ng lahat ng ito, ang perang ibabayad ko sa bill na iyon ay katumbas ng apat na buwan ng pagtitiis na walang ka text, tatlong linggong merienda, anim na buwang pamasahe at 10,328 na piraso ng fishball. Nakakahinayang lang.

Sa kabila ng lahat, nanatili akong kalmado at pinag-isipan kong mabuti ang sitwasyon. Ipinikit ko ang aking mga mata at taimtim kong ipinagdasal ang kaluluwa ng taong may kasalanan nito. Dinalangin ko na sana'y hindi mamatay ang mga magulang niya, sana'y hindi ma-rape ang anak niyang babae, sana'y hindi ang kumpare niya ang nang-rape, sana'y  hindi masunog ang tahanan niya, sana'y wala sa loob ng bahay ang asawa niya habang nasusunog ito, sana'y hindi siya ipadala sa iraq upang ipambala sa kanyon, sana'y hindi siya tubuan ng pangatlong paa sa noo, sana'y hindi siya pagtripan ng limang gutom na leon, sana'y hindi siya ma expose sa oxygen na may insecticide, sana'y hindi siya pagbintangan na nagbebenta ng produktong may melamine at sana'y hindi siya ma feature sa youtube na kumakain ng buhay na hamster at lumalaklak ng taba ni iwa moto. Sana hindi talaga.

Sa mga gaya kong nakaranas ng ganitong "unfairness" sa buhay, relax lang kayo, manatili lagi tayong kalmado at pag-isipan nating mabuti ang sitwasyon, wag nating hayaang makagawa tayo ng mga bagay na hindi mabuti at nakakasama sa mga taong nakapaligid sa atin, lagi nating tandaan na meron tayong dapat tandaan palagi. At iyon ang dahilan kung bakit dapat nating gawin iyon.

---------------------------------------------------------------

Makalipas ang dalawang linggo at kalahati, nabayaran na ang waterbills namin at nalaman namin na ang mga naghuhukay sa kalsada namin ang may kasalanan kung bakit kami nagbayad ng ganoon kalaki. Humingi naman sila ng paumanhin at nangakong hindi na mauulit ang gayong pangyayari, at nabalitaan namin na namatay ang anak ng isa sa kanila.. Kawawa naman.

Friday, September 5, 2008

Lorem Ipsum

Matagal nang issue ang kabadingan. Hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa, maraming tao na ang nag deboto ng kanilang oras sa pagtatalu-talo tungkol sa Social Acceptance, Morality, Legality, Formality, Angioplasty,  at Morality ng mga Bading. Yung ibang mga tao eh dinadamay pa pati ang religion. Ang totoo eh wala naman talaga akong pakialam, pinakiusapan lang ako ng Presidente ng United Nations para i publish ang pananaw ko tungkol dito. Para daw matigil na ang lahat ng pagtatalo at magkaroon na ng kapayapaan. Hmm.. Sige na nga.

Hindi sa paghihiganti sa mga nangmamanyak na bading sakin, pero ang pananaw ko talaga eh Kasalanan ang pagiging bading --Bakit? Kasi Paraan ito ng pagsisinungaling. Lagi tayong babagsak sa konsepto ng paglikha ng diyos sa tao, Lalake at Babae lang. walang bading. Luho lang ito ng mga lalaking malalandi kaya pilit nilang idinadahilan na pinanganak silang ganoon. Gayong alam nilang hindi ito totoo, sa sobrang kagustuhan nila, pinaniniwalaan nila mismo ang kasinungalingang ito.

Ganumpaman, hindi natin maikakaila na sadyang marami na tayong mga kababayang bading. At Hindi ko sila nilalahat. Pare-pareho man silang mga bading, naniniwala pa rin ako na may pinagka-iba-iba pa rin sila. As usual naman, tama ako. Ayon kasi sa Classmate ko, itinuro daw sa kanila ng Professor nilang bading ang limang klase ng homosexuals:

1. Open:

Sila daw yung mga aminadong bading sila. kahit papano eh may bayag* pa rin silang maituturing dahil hinaharap nila ang "consequence" ng pinili nilang katauhan. Ganumpaman, bading pa rin.. bading. pa rin.

*"bayag" is a figure of speech.

2. Closet:

Sila daw yung tipong nagpapanggap pa rin na Brad pitt, kahit na gusto na nilang magpaka Tita swarding sa kaibuturan ng kanilang malalanding damdamin. 

Nandun palang sila sa puntong hindi pa alam ng magulang ang kahaliparutan nila. Nakapanghihilakbot. Nakasusulasok. Karumal dumal. Ilan lamang yan sa mga adjectives na bagay sa kanila.

3. Discreet:

Sila daw yung tipong may pinangangalagaang Reputation, Profession, Addition, Donation at Synchronization. Malinaw na malinaw. 

4. Transexual:

Sila naman daw yung sobrang idol si Michael Jackson at kailangan pa nilang umabot sa puntong Magpa-transplant ng sex organ. Dibale nang masunugan sila ng tahanan, wag lang manguluntoy ang sex organ nila. Sagrado sa kanila ang sex organ. sa katunayan nga, inaalayan nila ito ng dasal tuwing alas dose ng hating gabi. At ang pilosopiya nila sa buhay ay ang maging kasing katawan ni Britney Spears, kahit na karamihan naman eh kamukha ni Johnny Delgado.

5. Bisexual:

Sila naman daw yung mga bading na pumapatol sa parehong kasarian. Hindi ko rin ma gets kung paano nila naaatim na Pagpantasyahan sila Pamela Anderson at Dingdong Dantes ng sabay. Mariosep. Katakot. Dets not kewl.

Alam kong masyado nang maraming problema ang bansa natin para bigyan pa ng pansin ang usaping ito, pero ayoko talagang mabuhay sa komunidad na talamak ang bading. At malaya silang nakapang mamanyak sa mga walang kalaban laban na mamamayang tulad ko na dumadaan lang naman sa harap ng beauty parlor araw araw --Papasok at Pauwi sa school. Susunugin ko yung parlor na yun eh. Nakakaubos talaga ng pasensiya. Totoong kanya-kanyang trip lang ang mga tao, nirerespeto ko kahit konti ang mga bading dahil sa konsepto na iyon, Pero naniniwala ako na mas Ramdam ang kasiyahang iyon kapag natutunan mong ma-"tripan" ang likas na kaloob sa yo.

Tandaan natin na ang tunay na diwa ng pasko ay pag-ibig. Related yun pramis. At lagi nating isipin na sa bandang huli, aaminin at aaminin din natin sa sarili natin ang katotohanan sa pagkatao natin. At sa bandang huli, with all due respect, mamamatay din lahat ng bading, Tanggap ko na yon. Ok na sakin yon.

Salamat sa United Nations sa pagtiwala sakin sa usaping ito. Naiintindihan ko na hindi niyo kinaya ang bigat ng issue na ito kaya naisip kong tulungan na kayo at kahit napaka demanding ng mga sulat niyo, sige patatawarin ko na kayo. Alam ko namang desperado lang kayo sa tulong ko kaya niyo nagawa yun. 

At saka nga pala, buti nalang nag tatagalog kayo. Saka pwede ba wag niyo nakong tawaging "Lord". tandaan niyo yan. next time ha.

-----------------------------------------------------------------------------------------

Trivia:

- Ang Angioplasty ay pangalan ng isang heart Operation. Wala itong kinalaman sa Morality.
- Hindi ko alam ang tagalog ng "consequence"
- Hindi ko din talaga alam ang ibig sabihin ng "Nakapanghihilakbot", "Nakasusulasok" at "Karumal-dumal". trip ko lang gamitin yung mga salitang yun.
- Malaki ang kinalaman ng Addition, Donation at Synchronization sa buhay ng mga bading. Basta.
- Salamat kay "Boobs" na nag share sakin ng info tungkol sa Five types of Homosexuals.
- Hindi tunay na pangalan yung "Boobs".
- Totoong minamanyak ako ng mga Bading na nadadaanan ko araw araw, Gusto ko silang i-texas chainsaw massacre sa sobrang saya na dinulot nila sa buhay ko.
- Wala nakong maisip na idag-dag sa Trivia.

Friday, June 20, 2008

Ang Batang Mawalain

Nawala ko nanaman ang Certificate Of Registration ko. Punyeta.

Sa mga pelikula, madalas akong naiinis sa mga bida na nakakawala ng mga imporatanteng papeles at dokumento. Feeling ko Sobrang tanga nalang talaga ng mga taong naiwawala ang mga bagay na hindi naman dinadala araw araw tulad ng Birth Certificate, Warranty ng Laptop at resibo ng biniling Condom. Pero na-realize ko kelan lang na hindi ko sila dapat kainisan, Bakit? --kasi tao din sila tulad ko at mas madalas akong makawala ng mga importanteng bagay kesa sa kanila at take note: Wala ako sa pelikula. Leche talaga.

Mawalain ako. Seryoso. Hindi naman siguro (at sana) Burara kasi inaayos ko naman ang mga gamit ko pero sadyang madalas lang talaga ako nakakawala ng mga bagay bagay. Sa katunayan nga, sa mismong oras na ito, nawala ko ang kanina ko pa iniisip na punchline. (Honestly dewd, that's not cool)

Sa tinagal tagal ko dito sa mundo, kung iipunin natin lahat ng bagay na naiwala ko at ibebenta natin ng piso kada isa, malamang e may Lifetime supply na ako ng Ferrari Automobiles, Original Dunlop Strings, Original na Adobe Photoshop series, Bigas at LPG, Makakapagpatayo na rin siguro ako ng Bahay sa Tagaytay at Kulungan ng mga Butterfly, Makakapag pa-customize ng sariling gitara at sariling Wah Pedal, At siyempre malamang e meron nakong sariling Drum loop generator at Jargon Identifier. Pero dahil nga naiwala ko na ang mga yun, Imposible nang mangyari ang mga yan. sayang.

Ewan ko kung anong sumapi sakin ngayon pero trip kong gumawa ng diary tungkol sa mga bagay na madalas kong maiwala. Feeling ko kasi kailangan malaman ng mga tao kung gaano ako katanga para hindi sila magtampo kung sakaling maiwala ko ang mga bagay na bigay nila:

#1) Ballpen: wag mo akong reregaluhan ng mamahaling Ballpen. Maaapreciate ko na kung bibilhan moko ng sampung pisong Bic na itim kasi yun ang paborito kong panulat. Hindi ka rin manghihinayang kapag naiwala ko kasi reregaluhan kita agad ng bente pesos na pandang itim. Pramis.

#2) Remembrance: Panyo, Love letter, Picture, at autograph --lahat yan meron ako, galing kay ex, galing kay secret at galing sa highschool photo studio with matching dedication from all my best friends pa. naiwala ko lang. Kaya hindi dapat ako pinagkakatiwalaan ng mga ganun ka personal na mga remembrance kasi malamang ngayon e kung sinu-sino na ang nagbabasa nung love letter na galing kay secret. Parang nabasa ko pa nga minsan sa internet yun e. cool.

#3) Scientific Calculator: Madalas ako sinisita ng guard sa school namin dahil sa dami ng mga dala kong calculator. Bihira kasi yung mga pagkakataon na naiuuwi ko lahat yun. Tulad ng mga bagong pisang baby sea turtles, 7 out of 100 lang ang nagsusurvive na calculator everyday sa mga kamay ko.

Guard: Boss patingin ng Bag.
Ako: Eto po.
Guard: O ANO ITO?
Ako: Calculator po
Guard: Ganun ba? EH ETO?
Ako: Calculator pa rin
Guard: Mukhang Detonator tong isang to ah. May permit ba yan?

Bandang huli ay sa kabilang entrance nalang ako dadaan dahil sa mas mahusay pa sa studyante yung guard.

#4) Pick: Bumili ako dati ng 20 pieces na pick, limang manipis para sa acoustic, limang medyo makapal para sa strumming, limang makapal para sa shredding at limang araw lang sila tumagal sakin. Pero milagrong bumabalik sakin ang mga pick na yun in random occasions. Minsan sa gitna ng masayang tugtugan ay bigla akong mumultuhin ng mga pick na winala ko. Minsan kakabili ko lang ng bagong pick e saka ko makikita sa bulsa ko yung parehas na pick na binili ko. Minsan habang nagte-treasure-hunting sa ilalim ng kama bigla nalang lilitaw yung mga pick ko. Gusto ko tuloy maniwala sa Pick of Destiny. Waw.

#5) Libro: Noong highschool ako, bukod sa mayaman ako dahil sa iniipon kong baon, mayaman din ang bookshelf namin. Kumpleto kami sa encyclopedia, storybooks, coloring books, comic books pati na rin pocketbooks-- Sa hindi maipaliwanag na dahilan, lahat ng librong dinala ko sa school ay nawala at hanggang ngayon ay hindi na makita.

Ngayong college, Unti unti nanamang yumayaman ang bookshelf ko, sana lang e umabot pa ang mga librong iyon sa mga magiging apo ko. Sana talaga.

Kailangan ko talagang magamot ang katangahang ito, nakakaapekto na kasi sa buhay ko. Kelang lang e naiwala ako ang Certificate Of Registration na importante para makapag Exam sa lahat ng Subjects ko. Noong nakaraang linggo, naiwala ko ang parker ballpen na bigay sakin ng soon to be labtim ko sana. Noong nakaraang taon, Naiwala ko sa swimming pool ang bracelet na bigay ng mabuti kong kaibigan na ang pangalan ay itatago natin sa pangalang "Jen" ---ang bracelet na iyon ay handcrafted at may initials ko, ginawa ni Jen para sakin lang daw.. wala daw katulad yung bracelet na yun. Winala ko.

Kung iisipin natin, paano nga ba talaga tayo nakakawala ng mga importanteng bagay sa buhay natin? Bakit minsan kung kelan sobrang kailangan ng isang bagay e dun pa mismo sa oras na yun ito mawawala?

Para sakin, walang bagay na nawawala. Mas okay kung tatawagin nating na "misplace" ko ang mga bagay na yun. Imposibleng mawala ang isang bagay, malamang e napunta lamang ito sa lugar na hindi natin makita o kaya naman e nagiging parte ito ng mga natural resources natin, halimbawa nalang ay ang mga nasusunog na papel, natutunaw na plastic at nadudurog na kahoy. Lahat ng yun ay nadedecompose, nagiging abo at nagiging greenhouse gas na naihahalo sa atmoshere, tubig o kaya naman ay sa yahoo messenger.

Ngayong alam na natin kung gaano ako katanga, wag na wag tayong magkakamali na pagkatiwalaan ako ng mahalagang bagay. isaalang alang natin ang posibilidad na ma "misplace" ko ang bagay na yun na maaaring maging dahilan ng tampuhan natin. At pakiusap, Sorry na talaga kay Jen. Hanggang ngayon hindi mo pa rin ako kinakausap dahil sa bracelet na yun. igawa mo nalang ako ulit. Tandaan natin na walang bagay na nawawala, nami-"misplace" lang.

Pahabol #1: May kaklase ako noong elementary na nahuli kong palihim na inaamoy ang kanyang ari. Seryoso. Sabi niya sakin, "kung ang tao ay gawa sa lego, lagi ko sigurong hawak ang sharkie ko. Naisip ko tuloy nung mga oras na iyon na kung totoo ngang ang tao ay parang lego, siguro nawala ko na lahat ng parte ng katawan ko, hindi lang yung sharkie ko. Seryoso.

Pahabol #2: Yung pick na bigay sakin ni clarence noong first day of class, yung nakalagay sa wallet kong naholdap, yung "Alice" ang tatak, Nakita ko ulit sa ilalim ng luma kong kama. Awoo.

Saturday, June 7, 2008

Sa Balat ng Lupa

Wala nanaman akong magawa. Ito ang mga sandaling gusto kong maglupasay sa sobrang boring ng buhay ko. Maraming bagay sa mundo ang naa-appreciate ko kapag wala akong magawa, halimbawa nalang ay ang mga masasarap na pagkaing pinahintulutan ng diyos na maimbento ng tao. Salamat nalang talaga sa diyos at merong cheesecake. Kung wala nun, peanut butter, gelatin at condensed milk nalang ang ipagpapasalamat ko. tenkyu po.
Marami talagang magagandang bagay dito sa mundo, hindi man natin napapansin araw araw (gaya ng nunal sa nguso ni Angel Locsin) dahil sa sobrang busy natin sa trabaho, hanapbuhay (trabaho din), pag aaral, bisyo, hobby, likes and dislikes, etc., ang mga magagandang bagay na yun ay nandyan lang parati at naghihintay na ma-appreciate. Ang sinabi ni Yao ming noong ininterview siya habang naglalaro ng basketball noong january 24, 2008 sa Yankees stadium ay ito: "Sometimes, people just want to appreciate the goodness of natural things". ngunit dahil joke ko lang yun at naniwala ka naman, aminin na nating "there are things that we just want to appreciate".

Narrator: Anong feeling mo Marian?
Marian: Beeyowtifewl.

Sa ganitong konsepto nabuo ang popularized poll ni Bernard Weber ng New 7 wonders Foundation ang "The New 7 Wonders of Nature" --ang layunin ay bumuo ng listahan ng mga yamang lupa o yamang dagat na sa tingin natin ay Beautiful. Ayon sa poll na ito, maaaring bumoto ang kahit sino saan man sa mundo at maaaring iboto ang kahit anong natural resource na nage-exist dito sa mundo, ang tanging qualification ay Dapat Natural Resource. Bawal ang mga man made structures at artificial substances at utang na loob, HINDI NATURAL ANG KNORR CHICKEN CUBES. Paki tandaan nalang.
Ang proyektong yan ang patunay na lahat ng tao ay may kakayahan mag appreciate. Yan din daw ang lamang natin sa mga hayop bukod sa tumatae tayo sa cr. Gayumpaman, hindi lahat ng tao ay nagkakasundo sa mga bagay ng magaganda, maaaring ang bagay na maganda para sayo ay pangit para sakin o kaya naman ang maganda sakin e pangit para sayo --Yun ay dahil may kanya kanya tayong pananaw sa kagandahan. Subjective ika nga. At gaya ng iniisip mo ngayon, bumuo na rin ako ng sarili kong listahan. Ladies and gentlemen, Agi's New 7 wonders of the philippines:
1. Kapag nagkasakit ng Prostrate cancer si Glomac
2. Kapag Nalinis ang Ilog Pasig
3. Kapag nabuntis sina Mel Tiangco, Mahal at Cristy Fermin
4. Kapag wala nang nanghoholdap at nagnanakaw
5. Kapag naging international teen hearthrob si Dagul
6. Kapag wala nang mga inosenteng buhay ang naisasakripisyo sa sobrang hirap ng buhay
7. Azusa Yamamoto (tell me that's not beautiful)
Bukod kay Azusa yamamoto na dating power ranger, ang ibang nabanggit sa listahan ko ay hindi pa nage-exist. Pero kahit ganun, nais ko pa ring ipagpilitan ang listahang yan dahil yan ang idea ko ng "something beautiful". swear.Sa tingin ko talaga, kapag nangyari ang numbers 2,4 at 6, yun ang magiging most beautiful thing in the world.
Bukod sa mga likas na yaman natin, kaya din nating gawing beautiful ang society natin. Iwasan natin ang panlalamang sa kapwa at ang paggawa ng commercials na sisira sa isipan ng mga kabataan natin. Kahit kailan hindi naging natural ang Knorr chicken cubes. Hinding hindi ako gagawa ng advertisement na nagsisinungaling para lang maibenta ang produkto ko. Never. Hindi ko ma-take.
Sa lahat ng makakabasa nito, wag nating kalimutan na hindi pa huli ang lahat para gawing beautiful ang bansa natin. Marami tayong likas na yaman, sa katunayan nga, kasama sa nominated candidates ng New 7 wonders of nature ang Palawan group of islands, Mayon Volcano at Hundred islands. Kung maisasama ng opisyal ang mga yan sa listahan ng The New 7 Wonders of Nature, 3 out of 7 ay galing pilipinas. Parang malakas na hadouken yun sa ibang mga bansa.
Tandaan natin na biniyayaan tayo ng diyos maykapal ng cheesecake, peanut butter, gelatin at condensed milk. Wag natin sayangin ang mga biyayang yan.